Nako, inatake ako nung sakit ko (gastritis) as in 4pm nasa ER ako. Duty ko pa man din nun sa OR (pm shift). Hindi ko na talaga kinaya kaya bumaba na ako sa ER. Buti nalang nandun si marife para alagaan ako. Hindi niya ako pinabayaan. Siya kumuha lahat ng gamot ko sa pharmacy. Tapos nung kailangan na umakyat ni marife buti nalang dumating si kate, yves and kj. kaya lang umuwi agad si kj nun. Buti nalang binantayan ako ni kate pati yves hanggang sa dumating si mommy. Ang sakit sakit talaga. 10/10 yung pain scale ko tapos ang dami ko pang tusok kasi nga yung gamot ko dapat IV un kaya sa may brachial ung tusok ko. tsk. tas before nun IM na ung plasil ko kasi nagsusuka na ko nun. ung buscopan kasi ung IV. tapos all in all naka 5 na suka ako. un, bago umuwi nagpauring test (candidate kasi ako for UTI daw) pati blood tes ako sa Sta. Monica c/o tita vics kaya may tusok ulit. tapos pagkauwi naka-IV ako. Lactated ringer's solution (D5Lr). so para san ba un?
Indication: IV solution for replacement therapy particularly in extracellular fluid deficit accompanied by acidosis.
Contraindication: renal failure, liver dysfunction, diabetes mellitus, lactic acidois, alkalosis. hyperkalemia.
un, nakita ko yan sa may bottle talaga. :) galing nuh? haha.
11pm nakabit sakin un tas tinanggal ng mga 8am. tapos nun pumunta ako ng RM para magpa-check-up kaya lang wala daw doctor! Pambihira. ang galing galing talaga. walang kwenta. kaya un, nag-duty nalang ako. Sayang yung case eh.
Aun, tinapik lang ako ni Lord God nun. Paalala daw na malapit na yung birthday ko. :) tumatanda na ko kaya dapat mas ingatan ko yung pangangatawan ko. minsan lang tayo mabigyan ng chance mabuhay. kaya pangalagaan. :)
PS. May UTI nga ako plus gastritis. ouch. buti may naimbentong antibiotic. Goodbye junkfoods. :)
No comments:
Post a Comment